Patakaran ng IATF kinastigo sa Senado SENIORS PALAYAIN SA GCQ

KINASTIGO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang ilang patakaran ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na naghihigpit sa paggalaw ng senior citizens kahit pinapayagan ito ng batas.

Sa pahayag, ipinaalala ni Angara sa lahat ng nagpapatupad ng batas na pinapayagang lumabas ng bahay ang mga senior citizen upang bumili at kumuha ng serbisyo ng kanilang pangangailangan.

Sinabi ni Angara na mayroong mga ulat na nahihirapan ang ilang senior citizen na kumilos sa ilalim ng general community quarantine kahit malinaw ang patakaran na ipinalabas ng pamahalaan.

“The guidelines for areas under GCQ are very clear. Senior citizens and persons below 21 years of age, while required to continue staying inside their homes, are allowed to go out to buy essential goods like food and medicine and to obtain essential services,” ayon kay Angara.

Sinabi ni Angara na base sa ulat sa unang araw ng GCQ para sa Metro Manila, Cebu City at Mandaue City, ilan sa isyu na kinahaharap ng senior citizen na gustong lumabas ng tahanan ang interpretasyon ng essential services.

May ilang senior na lumabas upang komolekta ng kanilang pensiyon at kailangan gumamit ng public transport tulad ng MRT-3 at LRT lines pero hindi sila pinayagan dahil sa “IATF rules.”

Isang matandang babae sa Quezon City ang naglakad ng ilang oras dahil walang jeep o iba pang uri ng public transport at nang makarating sa MRT-3 hindi siya pinayagang sumakay dahil bawal bumiyahe ang seniors.

“Clearly getting their pensions and important government documents are considered essential. Common sense lang ang kailangan dito. Hirap na nga ang mga seniors natin na nakakulong lang sa mga tahanan nila ng halos tatlong buwan tapos sa bihirang panahon na kailangan nilang lumabas ay pahihirapan pa din sila,” ayon kay Angara.

Lumutang na aniya noon ang ganitong isyu at naayos na bilang konsiderasyon na karamihan sa seniors, ay namumuhay nang mag-isa at kailangan nilang bumili ng pagkain at gamot, at marami rin sa kanila ay nagtatrabaho pa, kaya kailangan nilang pumasok sa trabaho. ESTONG REYES

173

Related posts

Leave a Comment