Patunayang hindi pera ng bayan DONORS, VOLUNTEERS NG P55-M EDSAPWERA AD HINAMONG LUMANTAD

NAGKAKAISA ang mga netizen na dapat lumantad ang mga taong nagtulong-tulong umano para malikom ang P55 milyon na inilaan para sa TV advertisement na Edsapwera kaugnay ng isinusulong na People’s Initiative o PI.

Sa nasabing patalastas ay sinisisi ang 1987 Constitution na siya raw ugat ng mga problema sa bansa kaya kailangan itong amyendahan.

Gayunman, sa pagdinig sa Senado, hindi napaamin ang mga nagsusulong ng Charter change (Cha-cha) kung sino ang mga nag-donate para makapaglabas sila ng advertisement sa telebisyon.

Ayon kay Noel Oñate, lead convenor ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action o PIRMA, ibinalik nila ang donasyon ng ibang indibidwal para sa ipinalabas na Edsapwera TV ad.

Tumanggi aniya ang kanilang mga contributor na ilabas ang kanilang mga pangalan dahil sa isyu ng privacy at security.

Ipinagtaka naman nina Senador Imee Marcos, Risa Hontiveros at Nancy Binay ang aksyon na ito ng donors sa paggiit na nang magdesisyon silang suportahan ang PI ay dapat nakahanda silang ilabas ang kanilang mga impormasyon.

Ganito rin ang opinyon ng publiko na inilabas sa social media. Para sa kanila, walang dapat itago lalo pa’t kung totoong people’s initiative ang hakbangin.

Narito ang ilan sa mga komento ng X users:

Pinoy nomad:

If these people truly believe in their cause, they should stand up for their beliefs. That includes revealing their names and showing their faces to the public. Unless they’re ashamed of their actions or are doing someone else’s bidding.

. vwbaq:

REALTALK AFTER ALL NA GINASTOS NILA SURELY THEY ARE EXPECTING TO GET SOMETHING OUT OF SUCH OTHERWISE WHY POCKET OUT 55 MILLION FOR A PROMOTION TO CHANGE THE PHILIPPINE CHARTER. THEY ARE BUSINESSMEN LAWYERS AND OTHERS SURELY THEY KNOW ABOUT INVESTING AND R.O.I

Ricky S:

Why??? They should stand by it kahit pa ma reveal ang mga names nila. Duwag sila kse alam nilang nagkamali sila ng ipinaglalaban. Kung duwag kyo, hindi tatayo sa publiko ang ipinaglalaban ninyo kse kasabwat kyo sa panlilinglang ng publiko.

waweyn:

ay ganon ganon na lang pagkatapos nila mambaboy? ilbas ang mga panglan para macancel na yan

ronnie:

Sa pondo ng bansa galing yon kunwari lang na outside Corporation yong nag bayad ng 55M na TV ads.kasi ayaw lumantad.

@xp3ctat0r:

Public interest yan gusto nyo baguhin konstitusyon pero gusto ng ngpindo secret kc nga matitrace n politiko din ung may gawa

EcauAko:

Manipulator sila kung ganun. Gusto nila mabago ang constitution pero ayaw nila magpakilala? Grabe ang dami talaga nilang pera!

Omeng:

Kung genuine people’s initiative yan at walang politiko sa likod, magpapakilala kayo.

Pinoy𝝅Pioneer:

Kaya nagkakaletse-letse ang bansa natin dahil sa mga ganyang galawan na nagpapa-confuse at nagdi-divide sa ating mga pilipino. I demand na dapat makilala ang mga gumagawa nyan. Bakit sila ngayon nahihiyang magpakilala?

AlmaeςlainΣ:

Ay syempre may malalaking isda yan. Oligarkiya ng Pinas from politics and business. Tamby and alipores

BraveHeart:

Kayo ang problema ng bansa mga politikong sinungaling, gahaman sa pwesto, sakim sa pera ng bayan at inaabuso ang kahinaan ng mamamayan. Kayo ang tinik at lason na pumapatay sa mga hikahos at walang kalabanlaban na nasa laylayan ng lipunan. BAYAN GISING!!!!!

el rages per:

Bakit takot? Dahil ba mga oligarchs? Criminals? Negosyanteng may illegal na ginagawa? O, pulitiko mismo at pera ng bayan ang ginagamit?

Alt Agatha:

Sila sila lang din naman yan, yung mga pulitikong makikinabang. Ginamit yung pera ng bayan. So sinong lalantad kung wala naman talagang “donors”?

68

Related posts

Leave a Comment