PCG OFFICER KINASUHAN SA PANGINGIKIL

KINASUHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang opisyal nito na nangikil ng malaking halaga sa isang aplikanteng papasok sa coast guard service.

Ang kaso laban kay PCG Petty Officer Third Class (PO3) Ibrahim Banota ay nag-ugat sa reklamo na nangyari sa gitna ng PCG nationwide recruitment cycle para sa calendar yet 2024 kung saan nangingikil umano ito ng P150,000 sa aplikante, ayon sa PCG.

Nakatanggap ng report ang PCG kaugnay sa ilegal na aktibidad ng coast guard personnel noong Mayo 19, 2024.

Matapos ang limang araw, nagsagawa ng entrapment operation ang PCG at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 upang maaresto si CG PO3 Banota ng Coast Guard Station Western Tawi-Tawi sa Zamboanga City.

“Filing of case is now on process for violation under Article 315 of the Revised Penal Code (Estafa) for a criminal case and Section IX, A. Grave Offenses, paragraph 24 of National Headquarters – Philippine Coast Guard / Coast Guard Internal Affairs Service (NHQ – PCG / CGIAS) Circular Number 13-19 for administrative case,” ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM).

Hinikayat ng PCG ang mga aplikante at iba pang concerned individuals na iulat ang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa national recruitment sa pamamagitan ng Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) para sa agarang naaangkop na aksyon sa 0929-314-1684 | 0915-096-6183 |0930-965-3132 | 0962-881-0491. (JOCELYN DOMENDEN)

37

Related posts

Leave a Comment