PDU30 HINIMOK NA PIRMAHAN NA ANG ANTI-TERROR BILL

HINIKAYAT ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lagdaan na ang batas na naglalayong palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Aniya, may sapat na panuntunan naman para maiwasan ang pang-aabuso.

Ang rekomendasyon na ito ni Sec. Panelo ay matapos ang maingat at masusing pagrerebisa sa batas matapos ulanin ng kritisismo ang probisyon nito.

Binalaan din nito ang mga kritiko sa ‘up-to 24-day warrantless detention period’ para sa mga suspected terrorist, at sa di umano’y kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council na binigyang pahintulot na magsulat ng pag-aresto sa terrorism suspects.

“Our office has studied each and every provision, which should not be read in isolation but in connection with each other so as to render the document in its entirety, as well as its directives, effective in combatting terrorism, and found the same passing the constitutional test,” ayon kay Sec. Panelo.

“The bill contains sufficient safeguards which ensure that its provisions would be implemented and enforced against those who intend to sow and create a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace through lawless actions without violating the latter’s political and civil rights,” aniya pa rin.

Aniya, may mga legal remedy sa pang-aabuso sa panig ng mga awtoridad, idagdag pa ang pangamba na isasatinig ng ilang sektor na may kaugnayan sa batas, na naglalayong palitan ang 13-year-old Human Security Act, nang “more imagined than real.”

“The proposed Anti-Terrorism Act of 2020 will serve as a powerful weapon against participants of these lawless actions, the threat of which is extremely imminent during our current times,” ayon kay Sec. Panelo.

Si Pangulong Duterte ay may opsyon na lagdaan ang batas, i-veto ito, o walang gawin sa loob ng 30 araw at hayaan ito na awtomatikong ‘mag-lapse into law.’

Sa oras na maging ganap na batas ang anti-terrorism bill ay maaari nang kuwestiyunin ng mga kritiko ang constitutionality nito sa Korte Suprema, ayon naman kay Chief Justice Diosdado Peralta. CHRISTIAN DALE

147

Related posts

Leave a Comment