PDU30 MAGBIBIGAY NG PUBLIC ADDRESS MAMAYA MULA SA DAVAO CITY

duterte12

MULA sa Davao City ay nakatakdang ihayag mamaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang regular na public address hinggil sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa COVID crisis.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ngayong araw ng Martes, Hulyo 7 ang nakagawiang mensahe sa bayan ng Pangulo.

Kaugnay nito, inaabangan ng publiko mula sa Chief Executive ang status ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa batay sa pagsunod ng mga tao sa mga ipinatutupad na security protocols laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay nananatili sa Davao City si Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)

80

Related posts

Leave a Comment