(NI BERNARD TAGUINOD)
IBINUNYAG ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bumubuhos ang pera sa ilang miyembro ng ‘media’ para siraan siya ilang linggo bago idaos ang SEA Games.
“It was only four or five websites na nagtapon ng mga fake news paulit-ulit. So anong tawag mo do’n? Even ilan sa mga media, umamin na sa amin na may umaagos na pera para siraan ‘yung SEA Games,” ani Cayetano subalit ang mga nagsumbong aniya sa kanya ay hindi tumatanggap.
Hindi pinangalanan ni Cayetano ang mga websites subalit maaari umano nilang kasuhan ang mga ito ng cyber libel dahil sa paninira ng mga ito sa bansa sa mata ng international community.
Sinabi rin ni Cayetano na handa siyang humarap sa imbestigasyon, isang araw matapos ang Sea Games sa December 12 upang linisin ang sigalot at linawin ang mga paratang na ibinibintang sa kanya.
138