PETISYON LABAN SA ATC APRUB KAY LACSON

BUO ang tiwala ni Senador Panfilo Lacson na lubos na mauunawaan ang nilalaman ng Anti-Terrorism Law sa kasong isinampa ng ilang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema.

“Democracy at work. Kailangan talaga i-encourage nga natin, as many petitions na i-file nila mas maganda, para talagang pag-usapan nang husto. Mas maganda magkaroon ng oral argument para ang ating SolGen maidepensa nang husto ang constitutionality. Pero ina-assure nga natin ang batas na ito, it is a good law, swift, effective and most importantly constitutional,” pahayag ni Lacson, na nanguna sa pagsulong bago maging batas ang ATC.

Sinabi ng senador na umaasa itong mabibigyan mg sapat na oras ang mga petitioner ng Korte Suprema para kontrahin ang batas.

“At umaasa ako lalo sa pamumuno ng CJ ngayon kasi nanggaling sa RTC at Sandiganbayan, sanay siya sa criminal procedure at criminal law, at ma-appreciate nila. Of course 15 sila para mag-appreciate kung may merits ba ang dinudulog na petition para i-declare na unconstitutional ang mga ito,” sabi pa ng senador.

“At meron itong separability clause. Kung halimbawa may provision na ito unconstitutional, ang maiiwanan tuloy pa rin ang effect noon. So may separability clause,” dagdag pa ni Lacson.

Sinabi pa ng senador na malaki ang gagampanan ng Commission on Human Rights (CHR) sa implementasyon ng nasabing batas upang masiguro na walang malalabag sa karapatang pantao.

“China-challenge ko maski sino mag-cite ng maski anong batas sa PH na pinasa ng Congress since time immemorial na ang arresting officer nire-require na mag-report in writing sa CHR para inspection-in, imbestigahan, kunin ang records. Wala, ito lang. Ayaw ba nila noon? Wala ito (provision) sa HSA at walang ibang batas na immediately, hindi a day after. At pag di nila ginawa yan, pwedeng makulong ang pulis ng 10 taon, mawawala ang kanyang pension and retirement benefits, and dismissed from service. At may absolute perpetual disqualification from holding public office,” paliwanag ni Lacson. (NOEL ABUEL)

174

Related posts

Leave a Comment