INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.
Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer.
Wala namang ibinigay na detalye si Sec. Roque sa bilang o dami ng doses na manggagaling naman mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine.
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na tanging ang vaccine doses ng China’s Sinovac ang available para sa mga Pilipino hanggang Hunyo dahil ang Western brands ay hindi kaagad available.
Binigyang-diin ni Sec. Roque na ang tanging bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitin para sa mass inoculation program.
“So far, only Pfizer received an emergency use authorization for its vaccine,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, ang Gamaleya at Sinovac’s EUA applications ay nakabinbin pa sa FDA. (CHRISTIAN DALE)
