PH ENVOY SA CHINA PAUWIIN SA PINAS BILANG PROTESTA

PARA sa isang prominenteng kongresista sa Kamara, higit na kailangan ipadama ng Pilipinas ang pagkadismaya sa pinakahuling pambabarako ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong sundalong naglalayag sa West Philippine Sea.

Mungkahi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Palasyo, pabalikin na lang sa Pilipinas si Philippine Ambassador Jaime Flor Cruz bilang protesta sa insidente sa Ayungin Shoal kung saan nalagay sa peligro ang buhay ng mga Pilipinong bantay-dagat matapos ‘pinahan’ ng Chinese Coast Guard ang BRP Malapascua.

Paglalarawan ni Rodriguez, ‘David versus Goliath’ ang insidente sa pagitan ng dambuhalang barko ng Chinese Coast Guard na halos banggain ang maliit sa BRP Malapascua.

“Aside from the usual filing of a diplomatic note, we should order our principal representative in China to return home. He should not go back to Beijing until we receive a response from the Chinese government apologizing for their harassment and bullying tactics in the West Philippine Sea and committing to rectify their misconduct,” dismayadong pahayag ni Rodriguez.

Kinastigo rin ng naturang kongresista ang paandar ng China na aniya’y tila sinisisi pa ang Philippine Coast Guard.

Sa ulat ni PCG commanding officer Rodel Hernandez, nagpapatrolya sila nang biglang harangin ng Tsinong sundalo sukdulang ‘pinahan’ ang BRP Malapascua sa ginawang pagmamaneobra sa karagatang aniya’y pasok sa Philippine Exclusive Economic Zone.

“It’s unthinkable for a tiny craft like BRP Malapascua to provoke a huge ship like a Chinese Coast Guard patrol vessel. It defies logic,” patutsada ni Rodriguez, kasabay ng giit na di dapat palampasin ng Pangulo ang panibagong insidente ng pambabarako.

Ganito din umano ang ginagawa ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea, sukdulang malagay sa peligro ang buhay ng mga namamalakayang Pinoy.

Kumbinsido rin si Rodriguez na wa-epek ang diplomatic protest sa China.

“In 2022 alone, 193 protest notes were served on Beijing, including 65 by the Marcos administration. All these protestations fell on deaf ears. That is why they continue to harass and bully our Coast Guard patrols and our fishermen, from the northern part of our country in Pangasinan and Zambales to the south in Palawan.” (BERNARD TAGUINOD)

142

Related posts

Leave a Comment