(NI ABBY MENDOZA)
“THERE is no reliable technology in the world that can confidently predict the exact time, date, and location or large earthquakes. Please avoid sharing or believing messages from unconfirmed and unreliable sources.”
Ito ang muling paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasabay ng babala sa publiko na anumang alert , hula o impormasyon na magkakaroon ng lindol sa ganitong oras , petsa, lokasyon at magnitude ay pawang fake.
“Ang DOST (Department of Science and Technology)-Phivolcs ay hindi nagbibigay ng prediksyon patungkol sa lindol o tsunami,”ayon sa Phivolcs.
Una nang nagpaalala ang Phivolcs na mag-ingat, maging alerto at handa sa posibleng Big One o ang kinatatakutang 7.2 magnitude quake, ngunit hanggang dito lamang umano ang kayang ibigay na impormasyon ng ahensya dahil walang nakagagawa na i-predict o mahulaan kung kailan ito magaganap.
Ayon sa Phivolcs, umapela pa ang ahensya sa publiko na sa halip na manakot ay tumulong na lamang sa pagpapakalat kung paano maging handa sakaling tumama ang pinangangambang The Big One kung saan maaaring masawi ang may 34,000 katao at makasira ng ilang libong kabahayan.
153