PHL, CHINA ‘NAGKASUNDO’ SA TERITORYO

west

(Ni FRANCIS SORIANO)

BINASAG na ang katahimikan ng Pilipinas at China matapos ang dalawang araw na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na plantsahin sa diplomatikong paraan ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP).

Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Seceretary Teodoro Locsin Jr., maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isa’t-isa sa naganap na pagpupulong.

Dito ay inilatag at pinag usapan ng bawat panig ang kani-kanilang concern matapos lumutang na problema sa West Philippine Sea sa patuloy na pagdami ng Chinese vessels, gayundin ang pagpapaalis nito sa mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa naturang bahagi ng pinag aagawan teritoryo.

Sa huli nagkasundo ang mga opisyal na magkaroon pa ng pag-uusap at konsultasyon bilang tugon sa nilalaman ng international laws na kanilang susundin para manatili at pagpapasigla ang regional peace, stability, freedom of navigation sa pinag aagawan South China Sea upang hindi magresulta sa marahas na paggamit ng pwersa.

165

Related posts

Leave a Comment