DU30 WALANG BAKASYON SA SEMANA SANTA

duterte pray12

(NI BETH JULIAN)

WALANG planong magbakasyon o magtungo sa ibang lugar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Semana Santa o Holy Week.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na parati lamang kasama ng Pangulo ang kanyang pamilya tuwing holidays.

Maging sa pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo ay parati lamang itong nasa bahay kapiling ang kanyang immediate family.

Sa April 18, Huwebes Santo, magsisimula ang bakasyon sa paggunita ng Semana Santa hanggang sa Abril 20 sa Linggo ng Pagkabuhay.

76

Related posts

Leave a Comment