Pinadedeklarang nuisance candidate PAGTAKBO NI SEN. BATO INSULTO SA BOTANTE

0

HINDI man direktang pinangalanan, mistulang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang pinadedeklara ni House deputy minority leader Carlos Zarate na nuisance candidate sa Commission on Elections (Comelec).

“Kung tatakbo ka sa halalan dapat ito ay masinsin mong pinag-aralan at pinag-isipan hindi yung parang hinatak ka lang dyan para may pumalit sa yo. Nakakainsulto ito sa mga botante at pinagmumukhang katatawanan ang halalan,” ani Zarate.

Magugunita na inamin ni Dela Rosa na dalawang oras bago matapos ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay pinapunta umano siya ni PDP-Laban president Alfonso Cusi sa Sofitel upang maghain ng COC para maging standard bearer ng kanilang partido.

Gayunpaman, handa umano si Dela Rosa na i-substitute siya ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaya matunog na ‘place holder candidate” lamang ang senador.

“This kind of practice is a mockery of the election system and is a way of fooling the electorate,” ayon pa sa militanteng mambabatas.

Maging ang Lakas-CMD ay pinaghain ng COC para sa pagkapangulo ang kanilang executive director na si Anna Capella Velasco para umano kay Duterte-Carpio kung saan may alyansa ang partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP).

“We are challenging the Comelec to immediately declare these place holder candidates as nuisance for making a mockery of the election process and insulting the intelligence of voters. These candidates should even be punished for this election atrocity,” ni Zarate.

Seryoso aniya ang halalan ay hindi ito dapat pinaglalaruan ng mga politiko dahil nakasalalay rito ang kinabukasan ng mga Filipino at bansa sa kabuuan.

Unang naging substitute candidate si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 election matapos nitong palitan si Martin Dino bilang standard bearer ng PDP-Laban. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment