PINAY TUMAKAS SA EMPLOYER, NI-RAPE NG ARABO

rape

(NI ROSE PULGAR)

MALUPIT ang sinapit ng isang Pinay domestic helper matapos umano itong limang beses halayin ng isang Arabo na isang kinatawan ng isang recruitment agency na nag-deploy sa kanya sa Saudi Arabia.

Pansamantalang  hindi muna binanggit ang pangalang ng biktima na limang araw pa lang nagtatrabaho bilang kasambahay nang tumakas sa kanyang amo.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspect na isang Arabo  matapos itong bolahin ng biktima na sumaglit muna sila sa tanggapan ng Philippine Consulate.

Base sa salaysay ng biktima, nakatakda sana siyang ihatid ng recruitment agency sa Riyadh para ilipat ng ibang employer subalit dinala ito sa isang hotel at doon siya pinagsamantalaan ng naturang Arabo.

Napag-alaman kay Labor Attache Nasser Munder, nagsumbong ang biktima sa isa nitong kasamahan na nasa Bahay Kalinga na siya aniya ay ginahasa.

Agad naman tinuruan ng OWWA Welfare Officers Marilyn Jamero at James Mendiola ang biktima sa gagawin para mapabalik sila ng konsulado kasama ang suspect.

Pagdating sa opisina ni Munder, nagwala ang biktima habang kinompronta naman ni Munder ang naturang suspect.

Kaagad din silang nagpatawag ng security at diplomatic guard para hulihin ang suspect.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong ang biktima sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at OWWA hinggil sa nangyaring panggagahasa sa kanya ng Arabo.

 

4

Related posts

Leave a Comment