MEDICAL CANNABIS BILL LUSOT NA SA KAMARA

cannabis

(NI ABBY MENDOZA)

LUSOT na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 6517 o panukalang pagregulate at gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Ang naging botohan ng mga mambabatas ay 163 ang pabor 5 ang hindi pabor at  3 na abstention.

Sa oras na maging ganap na batas ay nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na lisensyado ng Department of Health(DoH) na syang tanging awtorisado na magbenta, magsupply at magdispense ng cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente sa pamamagitan ng S3-licensed pharmacists.

Para matukoy kung kwalipikado ang pasyente, kailangan munang may pagpapatunay ang isang doctor na may malubhang karamdaman ang pasyente na nangangailangan ng marijuana sa gamutan.

Magtatag din ng Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facilities na syang mangangasiwa sa pagsasagawa ng scientific at medical research pagdating sa medical use ng marijuana.

Sinabi ni Isabela Rep Rodolfo Albano, pangunahing ay akda ng panukala na kahit na maging ganap na batas ang medicinal cannabis ay mananatiling illegal ang paggamit at pagtatanim ng marijuana .

Paliwanag ni Albano, aarestuhin pa din ang sinumang mahuhuling gumagamit, nagtatanim sa loob ng bahay at nag iingat ng marijuna dahil sa ilalim umano ng panukala ay dapat itong naka proseso o nasa medicinal form tulad ng oil, suppository  o tableta.

Ang DoH ang pangunahing ahensiya na mangangasiwa sa pamamahagi ng medical cannabis, katuwang ang Food and Drug Administration.

4

Related posts

Leave a Comment