PING: DPWH ‘POOR PLANNING’ SA BUDGET

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

NAKUKULANGAN si Senador Panfilo Lacson sa inihandang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung nasa maayos ang pagpapaplano nitong mga proyekto sa buong bansa.

“Talagang dapat bago sa NEP, nakaplano nang husto. Kumpleto ang planning para hindi masasayang ang pera. Kasi pag poor planning, nagsa-suffer minsan implementation kaya ang nangyayari ang laki ng unused appropriations,” sabi nito

“’Di ba point out namin for 2018 ang sa budget, P257B ang hindi nagamit? That’s on account of poor planning and hindi nako-consult ang agency when some legislators submit their pet projects, di na-consult so di alam ng agency papaano i-implement,” dagdag pa ni Lacson.

Inihalimbawa pa nito ang proyekto sa Cagayan kung saan pinondohan ito ng DPWH ng P10M sa kabila ng wala pang approval.

“Imagine sa Cagayan, nakalagay lang doon requesting. Obviously cut and paste ‘yan. Wala pang approval pinondohan mo na ng P10M,” aniya pa.

Hindi umano posibleng may bagong modus operandi ang ilang mambabatas para makalusot ang kuwestiyunableng proyekto.

“Even during committee hearing, si Sec. Villar was candid enough to admit ang iba riyan hindi namin alam kasi submitted ng congressmen. Binago na, kasi dati pagdating sa HOR saka nag-introduce ng amendments. Nakita namin rito. So nagbago sila ng tact, ang ginawa nila, sa NEP pa lang nagsa-submit na sila. I know this for a fact because I’ve been talking to some congressmen that long before NEP was submitted to Congress, tinatawag na nila ang agency heads and submit to them their pet projects. Ok lang yan as long as the agencies that will implement are able to prepare or plan. Ang problema kung hindi congruent sa needs ng agency, hindi nila implement ‘yan,” paliwanag pa ni Lacson.

Pinagtawanan din nito ang pahayag ni House Deputy Speaker Villafuerte na nagkaroon lamang ng  typo error sa P500M sa halip na P15M lamang ang kailangan para magamit sa pagsasaayos sa Kennon Road.

“Mr. President, how could he even know that? Those items are found in the NEP submitted by Malacanang to Congress after the President’s SONA in July, adopted by the HOR and transmitted to us here in the Senate,” pag-uusisa ni Lacson sa pagdinig.

 

 

152

Related posts

Leave a Comment