PING: ‘PERMIT TO CARRY’ DAPAT NANG REBISAHIN

ping lacson 12

(NI NOEL ABUEL)

NAPAPANAHON nang buklatin ang mga nilalaman ng mga umiiral na batas ng bansa tungkol sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril sa labas ng tahanan bunsod ng dumaraming insidente ng pamamaril sa bansa.

Ito ang binanggit ni Senador Panfilo Lacson kung saan kailangan na umanong ibahin ng publiko ang kanilang pananaw sa mga sibilyan na nakikitaang nagdadala ng baril sa labas ng tahanan.

“Presently, when we see persons in civilian attire with firearms bulging from their pants, we just assume they are police or military personnel. It should be the other way around. If we see someone in civilian attire and with a firearm, we should instinctively assume the person is up to no good, and report him or her to the nearest police station,” pahayag ni Lacson na dating pinuno ng Philippine National Police.

Binigyang halimbawa pa ni Lacson ang mga ginagawa ng awtoridad sa ibayong dagat na maski mga pulis, depende sa lugar, ay hindi nakikitang nagdadala o may sukbit na baril sa baywang katulad lamang ng kadalasang nakikita sa Hong Kong.

“Firearms are for self-defense against intruders and should be kept at home. Once one brings it outside your house, chances are the owner’s mindset can change and he or she can use it for offense,” diin ni Lacson.

Aniya, sa obserbasyon nito, halos araw-araw ay may nabibiktima ng walang habas na pamamaril, kung saan tila wala nang kinatatakutan ang mga nasa likod nito.

Noong panahon umano nito bilang hepe ng PNP, nagawa nitong nilimitahan ang pag-iisyu ng Permit to Carry Firearms Outside Residence, upang masiguro na ang mga unipormadong pulis at military lamang na nasa duty ang makakapagdala ng baril sa mga pampublikong lugar.

May mga impormasyon ding nakarating sa senador na kahit mga kriminal ay nakakukuha pa rin ng permiso sa pagdadala ng baril sa pampublikong lugar gamit ang ibang pangalan kung kaya’t dapat na mas higpitan pa ng PNP ang pag-iisyu ng PTCFOR.

87

Related posts

Leave a Comment