PINOY ‘HINULI’ NG CHINA; PANELO PUPUNTA SA WEST PHIL SEA

china12

(NI BETH JULIAN)

DESIDIDO  si Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na makita at malaman nang personal kung may katotohanan o wala ang mga ulat na umano’y paghuli ng mga Chinese sa mga Filipino na mangingisda sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, handa niyang kausapin si Defense Secretary Delfin Lorenzana para makapagtakda ng araw sa gagawin niyang pagtungo sa WPS.

Dito ay nais ni Panelo na isama ang media na magdodokumento sa mga mangyayari o anumang magaganap na aktibidad sa gitna ng karagatan para masaksihan din ng mas maraming mamamahayag ang tunay na sitwasyon sa lugar.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Panelo na mas magiging madali para sa kanila na gumawa ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga kinakailangang hakbangin ng bansa sa usapin ng panghihimasok at pananakop umano ng China sa sarili nating mga mangingisda na matagal nang namamalakaya sa teritoryo ng bansa sa WPS.

87

Related posts

Leave a Comment