PIÑOL, 3 PA SABIT SA KORUPSIYON

graft

(NI LILIBETH JULIAN)

KABILANG si Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga Gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ito ang ibinunyag ni PACC Commissioner Manuelito Luna, na nagpahayag na pang apat si Secretary Piñol dahil na rin sa nagboluntaryong pagsasailalim lifestyle check.

“Boluntaryo po siyang nagpapasailalim sa lifestyle check at nagpasa po sya ng bank wavers,” pahayag ni Luna.

Una nang inihayag ni Luna na iniimbestigahan na sina Labor Secretary Silvestre Bello III, TESDA Director General Isidro Lapena, at National Commission on Indigenous People Chairperson, Atty. Leonor Quintayao.  Nanindigan naman si Luna na trabaho nilang imbestigahan ang mga inirereklamong miyembro ng pamahalaan.

Sa ngayon sinabi pa ni Luna na nangangalap pa sila ng sapat na ebidensya bago magpasyang irekomenda ang pagpapasuspinde o pagpapasibak sa mga akusadong opisyal.

“May transparency naman po kasi lahat naman sila ay pinangalanan na, nasa mandate po natin na dapat i-update ang publiko ukol dito, otherwise the war on coruption will not be successful because of the public will see na walang transparency,” pahayag pa ni Luna.

266

Related posts

Leave a Comment