(DAVE MEDINA)
INARESTO sa reklamo ng 22 pang-aabuso sa mga bata ang isang Filipino sa Canada.
Kinilala ng Toronto, Canada police ang suspek na si William Christopher Claveria, 32, na nahaharap ngayon sa 22 kaso na kinabibilangan ng sexual assault, child pornography, sexual interference, distribution of child pornography at voyeurism.
Sa record ng pulisya, hindi kukulangin sa tatlong bata ang hinimok ni Claveria ang sumali sa kanilang grupong Word and Life Christian Assembly at Jesus Reigns Forever International Ministry sa nakalipas na taon at ini-record ang tinaguriang sexual assault sa kanila at in-upload sa social media.
Ayon kay Detective Don Bai, ang kahalayan ay kinukunan umano ng larawan at video ni Claveria at ina-upload sa pamamagitan ng social media upang makabahagi ang kanyang mga kaibigan o kliyente.
Bilang mga makadiyos na mamamayan ay nakuha umano ni Claveria ang tiwala ng mga magulang ng mga bata.
“They are actually very devastated. They never thought that this could happen to them in their house, in a place of worship and trust,” sabi ni police officer Bai.
Nalaman lamang umano ang ginagawang kahalayan ng suspek sa mga bata nang tawagin ang pansin ng mga magulang sa kanilang parokya dahil sa mga post ng kalaswaan sa social media.
Nakuha naman sa bahay ng suspek ang mga ebidensya, kabilang ang mga litrato at video kung saan ang pang-aabuso sa mga bata ay makikita.
146