(NI KIKO CUETO)
DAPAT nang magbitiw ang pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa rin sa pagkamatay ng isa sa kanilang mga kadete.
Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa panayam sa ABS-CBN.
“If I were the superintendent and I will not know what is happening in the academy, then I have no business staying in my position,” sabi ni Panelo.
“How come there is still hazing there? When you are the boss, then you should be telling your underlings, I will not allow it. I’ll fire all of you. I’ll put you to jail. If you are a weak boss, then this will happen,” dagdag nito.
Namatay si PMA cadet Darwin Dormitorio, 20, nang magreklmo sa matinding pananakit ng tiyan.
Naospital siya at nakitaan ng mga marka umano ng hazing.
Lima na ang persons of interest ng pulis sa kaso.
Nakahanda naman ang PMA na magsampa ng kaso sa mga sangkot.
163