PNP BUKAS SA LIFESTYLE CHECK

pnp120

(NI AMIHAN SABILLO)

BUKAS ang Philippine National Police (PNP)  na muling isailalim sa  lifestyle check ang mga pulis na pinaghihinalaan na may mga itinatagong yaman.

Ayon kay PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac,  bahagi umano ito ng internal cleansing campaign ng PNP, para matukoy kung sino sa kanilang hanay ang posibleng sangkot sa illegal na gawain.

Sinabi pa ni Banac, mayroon ding taunang lifestyle check na ginagawa ang PNP-Internal Affairs Service(IAS). Basehan ng imbestigasyon ng IAS ang Statement of Assets and Liabilities na ipina-file ng mga pulis sa pagtuklas kung mayroon silang tagong-yaman.

Kung mapatutunayan aniya na may hindi idineklarang assets sa kanilang SALN ang mga pulis, ay mahaharap din sa karagdagang kaso ng  perjury ang mga ito dahil sa pagsisinungaling sa kanilang SALN.

Magugunitang nabunyag  sa Senate hearings na ang 13 pulis Pampanga na isinasangkot sa pagre-recycle ng droga ay sabay-sabay umanong nagsibilihan ng mga SUV pagkatapos ng isang drug raid noong 2013 kung saan sinasabing mahigit 200 kilo ng shabu ang nakuha pero mahigit 30 kilo lamang ang inireport ng ggrupo ng ninja cops.

124

Related posts

Leave a Comment