PNP BUMUO NG TASK FORCE VS BATOCABE KILLERS

bato 500

NAGSASAGAWA na ng pagpupulong ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at sa security escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Kasabay nito, nanawagan si PNP chief Director General Oscar Albayalde sa publiko na itawag sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon na makadaragdag sa pagkalutas ng kaso.

Isang Special Investigation Task Group na rin ang magtatrabaho para tugisin ang mga suspect at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kongresista.

Si Batocabe ay miyembro ng House panel tulad ng committees on dangerous drugs, energy, health, tourism at good government and public accountability.

Isa syang mahusay na abogado na nagtapos ng maraming parangal sa University of the Philippines. Nakatakda sanang tumakbo bilang mayor si Batocabe sa Daraga, Albay  sa eleksiyon.

20

Related posts

Leave a Comment