PNP NAG ALOK NG SEGURIDAD SA MGA PARI, OBISPO

pari1

NAG-ALOK ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga pari at obispo na umano’y nakakatanggap ng death threats.

Partikular na tinukoy ng PNP si Caloocan Bishop Virgilio David na umano’y sunud-sunod na pagbabanta sa buhay at sa pamilya nito ang natatanggap sa kanyang mobile phone.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, nakahanda silang magbigay ng security escorts sa mga pari at obispo na nangangailangan.

Sinabi ni Albayalde na nag-usap na sila ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sinumang lalapit sa PNP ay bibigyan nila ng security escort.

Si Bishop David ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga pagpatay na may kinalaman sa droga.

Una na rin umaong nagbanta ang Pangulo sa obispo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal na droga. Gayunman, tumanggi si Bishop David sa alok na police escort.

78

Related posts

Leave a Comment