PNP PINAHAHAWAKAN NI DUTERTE KAY AÑO

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY—-Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hawakan muna ang Philippine National Police (PNP) sa loob ng dalawang taon bago sila bumaba sa pwesto.

Kasama ni Duterte si Año na bumisita sa mga biktima ng lindol sa M’lang, North Cotabato noong Rizal Day, Disyembre 30. “Basta mga probinsya mahusay ang mga pulis. But in Manila? That’s why I did not appoint a PNP. Sabi ko kay General Año na hawakan niya muna. You fix the police so that by the time we make the exit two years from now, at least ang mga problema ng Pilipino medyo — medyo hindi na masyadong mabigat,” ayon sa Pangulo.

Una rito, isinumite ni Año sa Pangulo ang listahan ng mga opisyal na maaaring umupo bilang kapalit sa binitiwang puwesto ni dating PNP chief Oscar Albayalde na nag-resign dahil sa isyu ng ninja cops.

“You’re dealing with government officials or officers who are into corruption, especially the drugs. That I am warning you again, be it the police, the mayors or barangay captains: You will die,” ani Duterte.

Matatandaang ilang beses sinabi ng Pangulo na wala pa siyang pinangalanan na magdadala sa liderato ng PNP dahil naghahanap pa ito ng mabuting opisyal na mamuno sa kanilang hanay.

Nagbabala rin ang Pangulo na maari niyang itake-over ang liderato ng PNP.
Ngunit wala pang sagot si Año, na ngumiti lang sa entablado kung saan siya nakaupo sa isinagawang programa.

Sa ngayon, hawak ni Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, ang pagiging officer-in-charge ng PNP.

Ngayong araw Lunes, Enero 2, nakatakdang bisitahin ni Duterte ang mga bayan ng Padada at Malalag upang siguruhin ang mabilis na rehabilitasyon ng mga nasalanta ng lindol noong Disyembre 15, 2019.

Mamimigay din ang Pangulo ng mga tseke bilang tulong pinansyal sa mga biktima ng lindol.

 

323

Related posts

Leave a Comment