PNP PINAKIKILOS VS E-SABONG

KINALAMPAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Philippine National Police at maging ang National Bureau of Investigation para habulin ang mga operator ng online sabong.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, dapat aksyunan ng PNP at NBI ang mga nagsulputang e-sabong dahil marami umano sa mga ito ang walang permiso.

Paliwanag ni Garma, marami nang nawiwili sa Online Sabong lalo ngayong panahon ng pandemya kaya’t maging ang kanilang benta ay naaapektuhan na dahil sa maraming tumatangkilik sa naturang laro.

Mas dumami umano ang nahumaling sa online sabong nang magsimulang umiral ang community quarantine sa bansa kaugnay ng pananalasa ng COVID-19.

Dahil dito, nais ng opisyal na mapanagot ang mga operator na ilegal na nagsasagawa ng e-sabong.

Noong 2020, kumita umano ang PCSO ng mahigit P18.63 bilyon mula sa iba’t ibang gaming product ng ahensya.

Plano ng PSCO na gumawa ng web-based upang tangkilin pa rin ang kanilang gaming products nang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay.

Samantala, ipinagkaloob na rin ng nasabing ahensya ang mga donasyon nito sa government offices at LGUs.

Ang NBI ay tumanggap ng mahigit P1.6 milyon para sa buwan ng Marso at Setyembre 2020.

Ibinahagi naman sa PNP ang mahigit P122,000 para buwan ng September 2020.

Habang sa LGUs, ang lungsod ng Quezon ang may pinakamalaking natangagap mula na nagkakahalaga ng mahigit 12.5 milyong piso.

Sinundan ito ng Maynila na nakatanggap ng mahigit 7.4 milyong piso at 3.8 milyong piso naman sa Caloocan City.

Batay sa datos ng PCSO, as of December 2020, mahigit P211 million na ang kanilang naipamahagi sa mga LGU at government offices. (KNOTS ALFORTE)

79

Related posts

Leave a Comment