PRICE CAP SA PORK, CHICKEN ITINAKDA

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order 124 na nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sang-ayon sa EO, ang pinakamataas na dapat na presyo ng baboy at manok at baboy: pige- P270 kada kilo; liempo- P300 kada kilo habang ang dressed chicken ay P160 kada kilo.

“Uulitin ko po, EO 124, mayroon nang price ceiling. Hindi na po pupuwedeng ibenta ang baboy.. ang pige na mas mahigit pa sa P270 per kilo; ang liempo, hindi po pupuwedeng ibenta ng P300 na mas mataas pa sa P300 per kilo at ang dressed chicken ay hindi po pupuwedeng ibenta ng mas mahigit pa sa P160 per kilo,” ayon kay Sec. Roque.

Binalaan naman nito ang mga manininda na hindi susunod sa EO 124.

Binigyang-diin nito na mayroong ipapataw na parusa kasama na aniya ang pagpapasara sa puwesto ng mga ito.

Samantala, sinabi ng Office of the Executive Secretary na ang price ceiling ay hindi magreresulta ng tinatawag na “undue diminution” o hindi makatuwiran na pagkabawas ng kita ng meat traders lalo pa’t ang reduction rates ay hindi naman higit sa 25% ng umiiral na market price. (CHRISTIAN DALE)

69

Related posts

Leave a Comment