POGO AT PEKENG SIGARILYO NAGKALAT SA CENTRAL LUZON!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MALAKING hamon ngayon para sa liderato ni Police Regional Office (PRO) 3 chief Brig. Gen. Jose Hidalgo ang patuloy na pamamayagpag ng POGO at gawaan ng pekeng sigarilyo sa buong Central Luzon.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng SAKSI Ngayon, habang walang humpay ang ginagawang raid sa mga POGO hub sa Las Piñas City at Pasay City kamakailan, ang mga POGO operations naman sa Subic at Angeles City ay tuloy lamang sa paggawa ng anomalya.

Bukod dito, maging ang pagawaan ng pekeng sigarilyo ay naglipana na rin sa lalawigan ng Nueva Ecija kung saan ay isang alyas Wendel ang nagmamantini sa Cabanatuan City at isang Chinese national naman na may alyas Banjo ang namamahala sa Bongabong, Nueva Ecija.

Maging sa bayan ng San Rafael, Bulacan ay may pagawaan din ng pekeng sigarilyo na pinamumunuan ng isang alyas Ople.

Ang pinakamalaki at malakas sa tatlong nabanggit na ‘puwesto’ ay ang nasa bayan ng Bongabong.

Ang hiwalay na POGO operations naman ay pinamumunuan ng isang alyas Cuevas na may lagay sa Subic, Zambales province; isang alyas Mayor L. ang may puwesto sa Angeles City at isang local official din sa Tarlac province.

Bukod dito, muling nagkalat ang putahan at prostitusyon sa Region 3, partikular na sa Bulacan at Angeles City sa Pampanga.

At kapag binanggit ang Pampanga, ‘untouchable’ pa rin ang pa-jueteng ni Alyas Dose na may hawak din ng illegal na e-sabong sa buong rehiyon.

Ibig sabihin, hindi lamang sa jueteng nahuhumaling ngayon ang mga kababayan sa Gitnang Luzon, kundi maging sa online sabong kahit na ipinagbabawal ito ng pamahalaan.

Ang e-sabong kung matatandaan ay mahigpit na ipinagbawal ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa 34 missing sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita at uhaw sa hinihinging hustisya ang kanilang mga pamilya.

Marami ang nagtataka kung bakit sa kabila ng ‘marching order’ ni PBBM na bawal ang online-sabong ay lantaran ang operasyon nito sa buong Pampanga at Bulacan.

Marami ang nagtatanong są social media kung may ‘police pa ba’ sa kanilang mga lugar dahil lumilitaw na mas makapangyarihan umano si Dose kaysa kay PBBM.

Ngayon, kung talagang seryoso si Gen. Hidalgo na sundin ang tagubilin ni President Marcos, maaari nitong pasadahan ang lahat ng sabungan sa mga naturang probinsiya dahil lantaran ang pagpapataya sa e-sabong.

At para maging kumpleto ang impormasyong magagamit ni Gen. Hidalgo sa kanyang kampanya na linisin ang illegal sa nasasakupan, isang alyas Jay Pulis ang nagpapakilala umanong kolektor ng

Police Regional Office (PRO) 3 na may weekly kotong o intelihensya na P2 million o tumataginting na P8 million kada buwan.

Labas pa sa ‘figure’ na ito ang koleksiyon naman mula sa tanggapan ni untouchable Gambling Lord Dose.

301

Related posts

Leave a Comment