KARPINTERO BINITBIT SA PANANAKIT

NABINGWIT ng mga operatiba ng Warrant and Intel Section ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, ang isang 45-anyos na karpintero na inakusahang lumabag sa Republic Act 9262 sa Infanta, Quezon, at natunton sa San Sebastian Street, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Reynante Luna, may asawa, ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., station commander, bandang alas-3:15 ng hapon nang matunton ang suspek sa Tondo.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Captain Robert Dato, ang suspek nang maispatan ito sa kanilang lugar.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Presiding Judge Raymund Sorongan, ng 4th Judicial Region Branch 65 ng Infanta, Quezon, na may petsang June 2, 2023, dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004.

(RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment