PONDO PARA SA PAGTATAG NG DOFW I-PRAYORIDAD – REP.NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-1

Hinimok ni  Rizal 2nd District Rep.  Juan Fidel Nograles ang kapwa niya mambabatas na bigyan prayoridad ang paglikha at paglaan ng pondo para sa pagtatag  ng Department of Overseas Filipino Worker (DOFW) .

Si Nograles ay isa sa mahigit 30 kongresista na naghain ng panukalang batas para sa pagtatag ng naturang departamento na siyang tututok sa mga programa at iba pang usaping tungkol sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansas.

Naniniwala ang kongresista, na panahon upang pahalagahan at suklian ang naging malaking ambag ng OFWs sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa pamamagitan ng pagtatag ng DOFW.

Giit pa ng kongresista,  hindi dapat na panghinayang ang magiging gastos o kakailanganing pondo para sa paglikha ng  naturang bagong tanggapan  sa halip dapat umanong ikonsidera ang  malaking halaga ng pera ipinasok ng mga ito sa kaban ng bayan.

“Isa ito sa mga pangunahing isyung itinaas laban sa pagtatag ng Department of OFW ay ang gastos na kakailanganin sa paglikha ng mga bagong tanggapan.  Pero bakit natin tinitingnan ang cost? Kung pera ang pag-uusapan, di ba dapat natin i-consider kung magkano ang pinapasok na pera ng mga OFW na-tin,” ayon  pa sa  mambabatas.

Tinukoy ng  solon ang  $33.8 billion na ipinadadalang pera ng 2.3 milyong Pilipino na nagtatrabaho sa abroad o katumbas ng 9.7% ng gross product ng Pilipinas at 8.1% ng gross national income ng bansa noong 2018.

“Para sa pangunahing sektor ng ating ekonomiya, dapat no questions asked na tayo pagdating sa kung ano pa ang magagawa natin para tiyaking mapaproteksiyonan ang kanilang karapatan at kapakanan,” ayon kay Nograles.

Napaulat sa World Bank’s April 2019 Migration and Development Brief na ang Pilipinas ay pang-apat sa may pinakamalaking natanggap na pera mula sa migrant workers sa buong mundo, mas mababa kumpara sa India na umabot sa $78.6 billion, China na may $67.4 billion, at Mexico na may $35.7 billion remittances.

Ayon pa kay Nograles, nasa diskresyon at posisyon ng Kongreso kung saan manggagaling o kukunin ang pondo.

Maari naman umanong ilipat na lamang ang inilaang pondo sa ilang mga non-performing o hindi na kinakailangang mga programa.

Bukod sa may mga overlapping na mga tangapapan na dapat na umanong  pag-=isahin na lamang.

“Sa tingin ko po, sa laki ng kanilang ambag sa ating ekonomiya, ito ng kailangan ng ating mga kababa-yang OFW. Sulit kung mamumuhunan ang gobyerno sa isang ahensya gaya ng DOFW,” dagdag ni Nograles.

203

Related posts

Leave a Comment