PONDO PARA SA TESDA SCHOLARSHIP, IBALIK

tesda22

HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang gobyerno na ibalik ang pondo para sa scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Binigyang-diin ni Villanueva na malaking tulong ito sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ng senador na naapektuhan ang pagbibigay ng training ng TESDA sa mga displaced worker at OFWs nang i- realign ang P2.3 bilyong budget nito para sa COVID-19 response.

“Sa panahon natin ngayon, mas kailangan ang tech-voc upang iahon ang ating mga manggagawa sa kanilang sitwasyon,” saad  ni Villanueva.

Iginiit ng mambabatas na kailangang maibalik ang pondo ng TESDA upang matulungan ang mga manggagawa, lalo na ang mga OFW na nawalan ng hanapbuhay at mga online seller na dumidiskarte sa ating panahon ngayon.

Isa anya ang tech-voc training sa mga mabisang sandata ng gobyerno laban sa problema sa kawalan ng trabaho.

Umapela rin ito sa finance at budget departments na kung maaari ay magdagdag ng pondo para sa TESDA technology institutes (TTI) para sa procurement ng ICT equipment at software. (DANG SAMSON-GARCIA)

152

Related posts

Leave a Comment