(NI BETH JULIAN)
KUMIKILOS na ang Department of Finance (DoF) para mahanapan ng pondo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa suplay ng kuryente sa mga nasasakupan nitong lugar lalo na ang mga tinaguriang ‘underserved island-provinces’.
Sinabi ni Finance Usec. Carlos Dominguez III na nagpulong na sila hinggil dito ni BARMM chief Minister Al Hajj Murad Ibrahim.
Dito ay natalakay kung paano mapopondohan ang electrification ng rehiyon.
Isa sa posibleng magsilbing source ng funding ayon kay Dominguez ay magmumula sa Islamic Countries sa gitnang Silangan.
Ito ayon kay Dominguez ay magandang pagkakataon para sa mga middle east countries na makapagbigay ayuda, hindi lamang para sa electrification program ng mga lugar sa Mindanao na hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente, kungdi ay para na rin sa ikakasang infrastructure projects doon.
“This is an opportunity for the Middle Eastern countries to assist in providing for infrastructure projects in the BARMM area,” pahayag ni Dominguez kay Murad.
Iminungkahi naman ng mga opisyal ng BARMM na simulan ang electrification program sa mga lalawigan ng Basilan, Tawi Tawi, Sulu at Bongo Island sa Cotabato City.
155