PONDO SA ROAD BOARD ‘DI PWEDE SA ‘USMAN’ VICTIMS

VICTIMS

(NI NOEL ABUEL)

LABAG sa batas ang planong gamitin ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad partikular sa mga biktima ng landslide sa Camarines Sur ang nasa P43 bilyong pondo ng Road Board.

Ito ang ipinaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan malinaw umano ang probisyon sa batas kaugnay sa Road User’s Tax.

Maaari lamang umanong gamitin ang nakolektang pondo sa registration ng mga sasakyan sa panganglaga at pagsasaayos ng mga kalsada, road safety at signages.

“Sa ngayon, hindi magagamit ng Pangulo ‘yan, dahil specific ang batas sa Road User’s Tax. Pwede lang ‘yan sa road maintenance, road safety, signage at hindi pwede sa disaster response,” diin ni Gatchalian.

Tanging magagawa lamang ay i-repeal muna ang batas o buwagin na ang Road Board upang mailipat na sa National Tresury ang pondo.

“Kaya ang tamang proseso ay ma-repeal na ang batas para ang pondo ay ma-transfer na sa General Appropriations Act (GAA) para pwede nang gastusin,” paliwanag pa ng senador.Umaasa naman ang mambabatas na naresolba na ang hindi pagkakaunawaan ng mga senador at kongresista sa panukala kaugnay sa pagbuwag sa Road Board.

253

Related posts

Leave a Comment