(NI BERNARD TAGUINOD)
NAGKASUNDO sa Kamara na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapanagot ang mga planta ng kuryente na laging nasisira tuwing panahon ng tag-init na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente.
Sa Joint Congressional Power Commission (JCPC) hearing na pinangunahan ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco, napagkasunduan din na maglagay ng scorecard sa mga planta ng kuryente at magkaroon na ng Standardization ng Power Supply Agreement (PSA).
Kailangan din aniyang magkaroon ng direktang benepisyo ang mga consumers sa mga lugar kung saan mayroon nang mga planta dahil sa ngayon ay pareho pa rin ang binabayaran ng mga residente kahit nasa kanilang lugar ang power plant.
215