(NI MINA DIAZ)
NANANAWAGAN ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa karagdagang volunteer upang makatulong sa pag-monitor ng resulta ng eleksyon.
Sa isang Facebook post ng PPCRV, nakasaad na kailangan nito ng encoders mula May 20 hanggang 31.
Ito ay para sa sumusunod na shifts: 8am to 12nn; 12nn to 5pm at 5pm to 10pm.
Para sa mga interesadong maging volunteer maaring magtungo sa PPCRV National Office Room 301, Pius XII Catholic Center sa United Nations Avenue sa Maynila.
Una nito, sinabi ng PPCRV na magpapakalat sila ng 300,000 volunteers sa katatapos na halalan.
May kabuuang 100 volunteers ang nakabantay sa command center sa Manila para sa tatlong shift sa isang araw.1`
138