PPCRV MAGBABANTAY SA BOL

pprcv

(Ni Samantha Mendoza)

MAGBABANTAY ang  church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa gaganaping  plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 sa Mindanao.

Nalaman kay PPCRV vice chair for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, binigyan na sila ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) para  sa pagbabantay ng naturang aktibidad.

Ayon sa PPCRV,  kabilang sa magiging tungkulin nila ang pagsasagawa ng poll watching at pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL.

Maghahanda na umano ang PPCRV para sa pagbubuo ng mga grupo ng volunteers na magbabantay at tutulong para sa voters’ education ng mga makikibahagi sa plebesito.

Karamihan umano ng mga volunteer ng PPCRV sa rehiyon ay mga Muslim mula sa iba’t ibang civil society organizations.

“We are now moving, organizing our volunteers to participate in the observation and voters’ education, poll watching of the Plebiscite in Mindanao, ” dagdag ni Cardenas.

Tiniyak naman ni Cardenas na hindi na bago sa PPCRV ang pagtutulungan ng mga Kristiyano at Muslim sa Mindanao upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng halalan sa rehiyon.

Aabot umano sa  2,000 ang volunteers ang makakatuwang ng PPCRV sa pagbabantay para sa nakatakdang Plebisito sa Enereo 21 at Pebrero 6.

14

Related posts

Leave a Comment