PRESYO NG BILIHIN MATAAS PA RIN

foods
(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang 5.1% na naitalang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2018 dahil halos kalahati pa rin ito sa 3.3% noong 2017 o bago ipinatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, walang dapat ikatuwa dahil naitala ang inflation rate na ito bago ipinatupad ang second tranche ng TRAIN Law na nadagdagan ng P2 ang bawat litro ng diesel at gasolina.
“It is bound to get worse, contrary to the pretentious and trickery spins of the Duterte administration, particularly its economic,” ani Zarate, dahil imbes na suspendehin ang second tranche ng TRAIN law ay itinuloy pa rin ito gayung alam ng Duterte administration na ito ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong 2018.
Magugunitang umabot sa 6.7% ang inflation rate noong Setyembre 2018 mula 3.3% noong Disyembre 2017, at bagama’t bumaba ito ng 6% noong Nobyembre 2018 at 5.1% noong Disyembre 2018, ay masyadong mataas pa rin aniya ito.
“Napakalaki ang itinaas ng presyo ng bilihin noong nakaraang taon at dahil ito sa TRAIN law,” ani Zarate, dahil malayong malayo ito sa inflation rate na ipinangakong 2% hanggang 4% kapag naipatupad ang TRAIN Law.
Bukod dito, pinakamataas pa rin umano ang inflation rate noong Disyembre 2018 sa nakaraang siyam na taon o mula noong 2009 kaya inaasahang titindi pa ang situwasyon ng taumbayan lalo na ang mga mahihirap dahil sa second tranche ng TRAIN Law.
“With the implementation of the second tranche of excise tax increases because of the TRAIN law, consumers should prepare for more and higher price shocks this year. In fact some oil stations are already jacking up their prices even when the Department of Energy announced that the oil price increases should be by the second week of January,” ayon pa sa mambabatas.
Wala rin umanong katotohanan na kahit bumaba na ang inflation rate sa 6% noong Nobyembre at 5.1% noong Disyembre 2018, ay hindi pa rin bumababa ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain. (BERNARD TAGUINOD)
157

Related posts

Leave a Comment