PRIVATE HOSPITAL NA SASABOTAHE SA UHC LAW, BINALAAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGBABALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga pribadong ospital na parurusahan ang mga ito sakaling isabotahe ang Universal Health Care (UHC) law.

Ito, ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ay kasunod ng banta ng mga pribadong ospital na puputulin na nila ang kanilang accreditation sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil hindi sila nababayaran.

Kapag  itinuloy ng mga private hospital ang kanilang banta, malaki umano ang magiging epekto nito sa UHC law na sinisimulang ipatupad na ngayon dahil pirmado na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng nasabing batas.

“Ako I think it would be a crime for them not to be part of UHC. Masama yan,” pahayag ni Defensor sa press conference nitong Martes sa Kamara.

Mapipilitan umano ang Kongreso na lagyan ng parusa  ang UHC law laban sa mga pribadong ospital kapag tinotoo ng mga ito ang kanilang banta at masabotate ang nasabing batas.

“But when it comes to a point that they were really sabotage the UHC law, then Congress will have to act…Ako in fact, I have not have  second thoughts of filing a penal charges, o putting penal provision UHC  against private hospital who rejects UHC law program,” ayon pa sa kongresista.

Tila kinampihan din ni Defensor ang Philhealth sa pamumuno ng bagong pangulo nito na si ret. Gen. Ricardo Morales kung bakit nadedelay ang pagbabayad sa mga claims ng mga private hospital dahil kailangang malinis umano ang sistema lalo na aabot na sa P190 Billion ang pondo ng nito dahil sa UHC law.

“We should start with a clean slate dahil ito na ang simula ng paglaki ng pondo,” ani Defensor at marami aniya sa mga private hospital ang naniningil ng sobra-sobra sa Philhealth.

Kailangang masiguro aniya na tama ang mga claim ng mga private hospital dahil kung bayaran nang bayaran ang mga ito kahit walang basehan ang kanilang claims ay mauubos umano ang pondo ng Philhealth.

 

 

78

Related posts

Leave a Comment