(NI ROSE PULGAR)
INALERTO kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na mag ingat sa mga nag aalok ng trabaho sa pamamagitan ng social media upang hindi magaya sa isang Pinay na ikinulong ng kanyang employer hanggang sa tumalon at tumakas sa Dubai.
Hinihimok kahapon ng DFA ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho na alamin muna sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung may katotohanan ang alok na trabaho sa ibang bansa.
Ang paalala ng DFA ay bunsod sa nangyari sa isang 27- anyos na Pinay, na pumatol sa alok na trabaho sa Dubai kung saan nagkaroon ng spinal fracture matapos siyang tumalon mula sa ikatlong palapag na gusali upang makatakas.
Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, tinanggap ng naturang Pinay ang isang alok na trabaho sa social media at pumasok sa United Arab Emirates noong Disyembre gamit ang isang tourist visa.
Ayon kay Cortes dinala ang Pinay sa kanyang agency at sa kanyang tirahan ng siyay dumating sa Dubai at ipinadlock ito.
Subalit hindi umano ito binibigyan ng pagkain, na siyang dahilan para magpasya siyang tumalon mula sa ikatlong palapag na gusali para tumakas.
Sa ngayon ay tinutulungan na ng Philippine Consulate General sa Dubai ang naturang Pinay upang mapauwi na ito sa Pilipinas.
171