PUBLIKO PINAGTITIPID NG DOE SA KURYENTE

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kasunod ng makabuluhang pagbabago ng available power supply sa Luzon sa gitna ng bagyo.

Sa isang virtual press conference, hinikayat ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente para mabawasan ang paghahatid ng mas maraming mamahaling oil-based power plants.

Winika pa ng Kalihim na ginagawa ng DOE ang lahat para mapahusay ang power supply para sa mga darating na araw.

“While we look forward to the power supply improving in the coming days, the Department encourages everyone to conserve energy in order to minimize dispatch of the more expensive oil-based power plants,” aniya.

Hinikayat din ni Lotilla ang commercial industrial consumers na magpartisipa sa “interruptible load program” kung saan sinabi nito na ang oil-based powerplants ay ginagamit bilang pansamantalang power source sa Luzon grid sa kawalan ng hydropower plants.

Tinuran pa ni Lotilla na ang 1200 MW Ilijan Powerplant ay isinara noong May 25, 2024 dahil sa “disconnection at relocation” nito kasama ang Pagbilao units 1 at 2 (may kabuuang kapasidad na 764MW) at unit 3 na may kapasidad na 420MW.

Isinara rin ang Masinloc 3, na may kapasidad na 335MW, kasama ang San Buenaventura na may kapasidad na 455MW. Ang Botocan, na may kapasidad na 20.8MW, ay itinigil dahil sa bagyo noong nakaraang May 26, 2024. (CHRISTIAN DALE)

60

Related posts

Leave a Comment