(NI KIKO CUETO)
NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon.
Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente.
Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers.
Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City.
Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon.
Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City.
Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC.
142