(NI HARVEY PEREZ)
HINDI umano kontrolado ng Department of Justice (DOJ),ang mga galaw sa Bureaunof Corrections (BuCor),sa kabila nang nasa ilalim ito ngnkontrol ng ahensiya.
Ito ang nahiwatigan kay Justice Spokesperson Undersecretary Markk Perete matapos sabihin na hindi nakararating sa tanggapan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga release order ng mga heinous crime convicts para sa kanyang pag-rebisa.
Ang pahayag ay ginawa ni Perete bilang reaksiyon sa pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang release order sa mga convicts na may sentensiya na life imprisonment ay kinakailangan na may pag-apruba ng Justice Secretary.
Nakasanayan na umano sa BuCor na ipatupad ang release orders sa mga convicts sa heinous crimes nang walang pag-apruba sa tanggapan ng Justice Secretary.
“I think ‘yung sinasabi kasi ng BuCor na hindi kailangang umakyat, ang kanilang pinagbabasehan is a 2013 law, if I’m not mistaken, is RA 10575. Kasi prior to 2013, ‘yung Bureau of Corrections was considered a constituent unit of the Department of Justice,” ayon kay Perete.
“But in 2013, ‘yung batas na ‘yun, ni-strengthen ‘yung Bureau of Corrections and ginawa siyang line agency na lang subject to the supervision of the Secretary instead of control, except that merong review powers dapat si Secretary,” dagdag pa ni Perete.
Nabatid na ang Republic Act No. 10575, o ang Bureau of Corrections Act of 2013, ay magkaparehas na batas na tinutukoy ni Drilon.
Ang BuCor ay nasa superbisyon ng DOJ nanatili umano na may kapangyarihan na magrebisa, magbaligtad ,i-revise o i-modify ang desisyon ng BuCor.
Sinabi pa ni Perete na nagpalabas ang DOJ ng kautusan noong 2015 na ang release order ng mga heinous crime convicts ay dapat na iparating sa Justice Secretary pero hindi ito kinakailangan na aprubahan.
Ito umano ang dahilan kung kaya ang release orders para kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez at iba pa sa magkapatid na Chiong ay hindi alam ng DOJ.
“We only learned about ‘yung cases in mayor Sanchez and then the Chiong convicts when we also heard it sa media,” ayon kay Perete.
“Kaya nire-reiterate namin ‘yung department order requiring the elevation of those types of cases to the secretary,” dagdag pa ni Perete.
Sinabi rin ni Perete na ipinaalam na rin ni Faeldon sa kanila ang interpreyasyon ng BuCor sa RA 10575, pero pinag-aaralan pa nila ang itutugon.
Nabatid na magsasagawa ngayong Lunes ng pagdinig ang Senate blue ribbon committee kaugnay sa nabiting pagpapalaya kay Sanchez kaugnay sa RA 10592 o ang law on good conduct time allowance (GCTA).
Inimbitahan umano si Guevarra pero si Undersecretary Deo Marco, ang magiging kinatawan niya dahil mayroon siyang naunang commitment.
Gayunman,tumanggi si Faeldon na dumalo sa pagdinig.
152