REMITTANCE SA MIDDLE EAST BAGSAK

OFWS

Hindi lang sa Saudi Arabia bumagsak ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers kundi sa ibang bansa sa Middle East ngayong taon, kaya apektado umano ang mga probinsyang pinanggalingan ng mga OFWs.

Sa datos na inilabas ni House committee on banks and financial intermediaries chairman Henry Ong ng Leyte na mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sinasabing bumagsak ng $1.03 Billion o halos  P54.6 Billion ang remittances ng mga OFWs sa Middle East mula Enero hanggang Oktubre 2018.

Nabatid na sa kaparehong panahon noong 2017, umaabot sa $6.46 billion ang ipinadala ng mga OFWs mula sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan subalit naging  $5.43 billion ngayong 2018.

Ayon kay Ong, bumaba ng 11.1 percent ang ipinadalang pera ng mga OFWs sa Saudi Arabia sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bangko at money transfer companies.

Mas malaki ang ibinaba sa Kuwait na umaabot ng 18.2%  habang sa United Arab Emirates ay 11.1 % ang nabawas sa remittances ng mga OFWs samantalang 9.6% naman ang nawala sa Bahrain.

 

9

Related posts

Leave a Comment