LOTLOT DE LEON, IKINASAL NA

LOTLOT DE LEON-3

SCENESGinanap nitong Lunes, December 17, ika-4 ng hapon ang kasal nina Lotlot de Leon at Fadi El-Soury sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas.

Present siyempre ang ama ni Lotlot na si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong na isa sa mga ninang, pati na rin ang mga ninang na sina Tita Malou Choa-Fagar, Zharine Carbonell-Villanueva (na misis ni Cris Villanueva) at Nadia Montenegro.

Ninang rin ang GMA lady bosses na sina Redgie Magno at Lilybeth Gomez-Rasonable pero hindi sila nakarating dahil may hindi maiwang eeting sa GMA.

Ninong naman ang iyong lingkod, si Daddy Roxas at Alex Ignacio; ni-nong rin si Manila City Mayor Joseph Estrada at Erik Matti pero hindi sila nakadalo.

Maid of honor si Janine Gutierrez at best man naman si Rayver Cruz.

LOTLOT DE LEON-4
Ang mga bagong kasal kasama ang mga kapatid ni Lotlot na sina Dawn Evans, Donna Bennett at Myrna Dufresne, Kenneth, Kiko at Ian de Leon.

Abay rin ang mga anak ni Lotlot na sina Jessica at Maxine Gutierrez, at ang mga kapatid ng aktres na sina Matet de Leon, at sina Donna Ben-nett, Dawn Evans at Myria Dufresne na mga American sisters niya mula sa kanyang American biological father na si Donald Olson. Hindi nakabi-yahe sa Pilipinas ag ama nila dahil bagong opera ito.

Abay rin ang mga kapatid na lalaki ni Lotlot na sina Ian de Leon, Kiko de Leon at Kenneth de Leon.

Ring bearer ang close friend ng couple na si Pinky Esturco.

Ang anak na lalaki ni Lotlot na si Diego Gutierrez ang naghatid kay Lotlot sa altar.

Ang nagkasal kina Lotlot at Fadi ay si Pastor Bernie Fontabla.

Si Zandra Lim ang gumawa ng damit ng buong entourage.

Ilan sa mga bisita ay ang mga dating taga-That’s Entertainment (kung saan kabilang si Lotlot noong dalaga pa ito) na sina Melissa Gibbs, Cheenee de Leon, Manolet Ripoll at Bimbo Bautista, at ang aktres na si Shyr Valdez.

4

Related posts

Leave a Comment