(NI ABBY MENDOZA)
PINATAWAN ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa kinahaharap nitong graft case.
Si Madrona ay nahaharap sa kasong graft nang aprubahan nito ang pagbili ng 3,333 bote ng organic fertilizer na nagkakahalaga ng P4.8 milyon sa Feshan Philippines Inc noong 2004 nang hindi dumaraan sa mandatory public bidding na isang paglabag sa Government Procurement Reform Act.
Provincial Governor pa ng Romblon si Madrona nang maganap ang nasaboling proyekto.
“All the requisites for suspension under Section 13 of R.A. 3019 being present, this court is mandated to order the preventive suspension of accused Madrona,”nakasaad sa resolusyon ng Sandiganbayan
Sa desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, sinabi nito na tanging si Madrona lang ang pinasususpinde dahil ang kapwa akusado nito na sina provincial agriculturist Geishler Fiedcan Fadri at senior agriculturist Oscar Placito Galos ay hindi na governmemt employee.
Habang ang isa pang akusado na si provincial administrator Joel Angcaco Sy ay pumanaw na noong Enero 8, 2019.
Binigyan na ng graft court ng kopya ng desisyon si House Speaker Alan Peter Cayetano habang sa panig ni Madrona, sinabi nito na handa siyang tumalima sa kautusan ng graft court.
157