REPORT SA PAGLABAG NG NPA SA CEASEFIRE, ISUSUMITE KAY DUTERTE

cpp npa12

(NI AMIHAN SABILLO)

ITATALA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng gagawing paglabag ng New People’s Army sa loob ng tatlong linggong unilateral ceasefire ngayong holiday season.

Ito ang inihayag ni AFP spokesperson Bgen Edgard Arevalo base sa kautusan ni AFP Chief of staff Gen Noel Clement matapos ang dalawang insidente ng pag-atake ng NPA  ilang oras lamang matapos ideklara ng Pangulo ang unilateral ceasefire.

Sa dalawang pag-atake sa Camarines Norte at Iloilo isang sundalo ang namatay at walo ang sugatan.

Ayon kay Arevalo, gagawa  ng formal report ang AFP sa mga naging violation ng NPA at ito ay isusumite kay Pangulo Duterte sa pamamagitan ng Department of National Defense.

Bahala na aniya ang Pangulo kung ano ang magiging hakbang nito laban sa NPA dahil sa mga paglabag.

Sa panig ng AFP, wala silang tiwala sa NPA kaya hindi nila inirekomenda na magkaroon ng ceasefire.

Pero dahil aniya isang propesyonal na organisasyon ang AFP, tumatalima sila sa desisyon ng kanilang commander in Chief na magpatupad ng ceasefire.
 

161

Related posts

Leave a Comment