(NI DANG SAMSON-GARCIA)
HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na magtayo na ng mga karagdagang classrooms kahit hindi pa kailangan upang tugunan ang mga enrolles sa susunod na panahon.
“I think we should now implement a zero-backlog program. Let’s choose a year of when it will be achieved. And once that’s done, let’s stock up on new classrooms that will be ready in time for new enrollees to come in,” saad ni Angara.
Ipinaliwanag ni Angara na kailangan nang palawigin ng gobyerno ang kanilang Build, Build, Build program para sa sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin ng senador na kahit magtayo ng mga dagdag na silid-aralan tiyak namang hindi ito mababakante ng matagal dahil dumarami ang mga estudyante.
“Forecasted naman ang enrolees sa mga DepED schools and state universities and colleges (SUC). For DepEd, every increase of 400,000 enrollees should ideally birth 10,000 new classrooms. With that as basis, we can construct the anticipated needs. For once, let’s be ahead of the demand curve,” diin ni Angara.
Ginawa ni Angara ang rekomendasyon sa gitna ng paglalaan ng Department of Education ng P20 billion para sa konstruksyon ng mga bagong public classrooms sa susunod na taon.
Gayunman, ang pondo ay para lamang sa 8,000 rooms na malayo sa request ng DepEd na P172.5 billion para sa 64,795 rooms.
Sinabi ni Angara na mas makabubuting taun-taon ay magdagdag ng pasobrang 10,000 classrooms.
“Importante ang ‘Build, Build, Build’ sa edukasyon kasi sino ang magpapatakbo, sino ang mamahala ng mga ipinupundar natin ngayon sa imprastraktura at ekonomiya kundi ang mga graduates ng ating mga paaralan?” diin ni Angara.
“Building up our human capital should go hand in hand with our infrastructure and other physical capital development because the latter, like in ICT and trains, would not run on their own,” dagdag pa ng senador.
“Next year, yung 8,000 classrooms, multi-storey na lahat yan. First time in history na stacked up construction. Ang tanong: Handa na ba ang DepEd at DPWH? If we go national with this design, may ready na school sites na ba? May lote ba na pagtatayuan?” giit pa nito.
215