RESIGNATION NI ARANAS TINANGGAP NI DU30

aranas12

(NI BETH JULIAN)

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Miyerkoles.  Kamakalawa ng hapon nang maisumite na sa tanggapan ng Office of the President ang pagbibitiw sa puwesto ni Aranas.

Wala naman ibinigay na dahilan ang Palasyo sa pagbibitiw ni Aranas at tinanggap na ito ng Pangulo.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pangalan ang Malacanang kung sino ang papalit kay Aranas.

Base sa liham ng pagbibitiw ni Aranas, sa palagay niya ay ginampanan niya nang tama ang kanyang tungkulin at walang nilabag na anumang batas at kailanman ay hindi nya isinuko ang kanyang integridad.

 

90

Related posts

Leave a Comment