RESULTA NG SENIOR HS VOUCHER PROGRAM ILALABAS NA NG DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

INAASAHANG mailalabas na ng Department of Education (DepEd) sa Lunes, Hunyo 24, ang resulta ng aplikasyong isinumite ng mga Grade 10 completers, na nagnanais na makapag-avail ng subsidiya mula sa pamahalaan para sa School Year 2019-2020, sa pamamagitan ng Senior High School Voucher Program (SHS VP).

Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na maaaring makita ang resulta ng kanilang aplikasyon para sa sa SHS VP sa pamamagitan ng kanilang Online Voucher Application Portal (OVAP) sa https://ovap.peac.org.ph/.

Ayon sa departamento, kinakailangan ng mga voucher applicants na magtungo sa OVAP website at alamin kung kuwalipikado silang mabigyan ng subsidiya ng pamahalaan.

Sa naturang website din maaring mai-download ng mga Qualified Voucher Applicants (QVAs) ang kanilang QVA Certificates, na siyang ipiprisinta nila sa mga paaralang kanilang papasukan, upang maka-avail ng tulong pinansiyal para sa kanilang pag-aaral ng senior high school.

“Online applicants must log in to their accounts, while manual applicants shall use the Search facility on OVAP to check if they qualified,” anang DepEd.

“The QVA Certificate shall be presented by the learner to the private school, or state university or college (SUC), or local university or college (LUC) where he/she plans to enroll for Grade 11,” paliwanag pa nito.

Para naman sa mga qualified Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS  A&E) at Philippine Educational Placement Test (PEPT) passers, kinakailangan din nilang sundin ang naturang proseso.

Gayunman,  upang makakuha ng kanilang voucher ay dapat muna umano silang magpresinta ng kanilang Certificate of Rating (COR) sa paaralan kung saan nila planong magpa-enroll.

“Only those who took and passed the A&E and PEPT in SY 2018-2019 and are eligible for enrollment in Grade 11 in SY 2019-2020 are qualified to avail of the voucher,” ayon pa sa  DepEd.

 

 

 

133

Related posts

Leave a Comment