RETIREMENT AGE NG PUBLIC SCHOOL TEACHERS NAIS IBABA SA 55

teachers12

(NI NOEL ABUEL)

HINDI matutumbasan ng kahit sinuman ang ginugugol na mahabang oras ng mga public school teachers para mabigyan ng magandang edukasyon at pamumuhay ang mga estudyanteng tinuturuan ng mga ito.

Ito ang paliwanag ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara kung kaya’t isinusulong nito na panukalang batas para mabawasan ang retirement age ng mga guro mula sa kasalukuyang 60-anyos ay gawing 55-anyos na lamang.

Ayon pa sa senador, hindi biro ang mahabang taong pagtuturo ng mga guro kung kaya’t kung gagawing 55-anyos ang retirement age ng mga ito ay may mahabang oras pa ang mga ito para gugulin ang natitirang taon para sa kanilang sarili.

Kahit bakasyon at hindi nagtuturo ang mga guro ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa paggawa ng lesson plan at iba pang pangangailangan sa eskuwelahan kung kaya’t dapat lamang na bigyan ng mas maikling retirement age.

98

Related posts

Leave a Comment